Home NATIONWIDE Lacson naniniwalang “very stable” pamumuno ni Sotto

Lacson naniniwalang “very stable” pamumuno ni Sotto

335
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson noong Linggo, Oktubre 5 na patuloy niyang sinusuportahan ang pamumuno ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos siyang tanungin kung naniniwala siyang nananatiling matatag ang pamumuno ni Sotto kahit na madamay ang mga dating at nanunungkulan na senador sa isinasagawang imbestigasyon sa flood control mess.

“If you will ask me, I’ve already experienced his being a Senate president for the longest time in the past Congress. His system of management is good; he has good leadership,” saad ni Lacson.

“He always goes for consensus. He doesn’t dictate and he doesn’t makes decisions alone. So if you’ll ask me, I’ll continue to support him,” aniya.

Pero kung iba ang iniisip ng mga kasamahan niya sa Senado, at naniniwalang kulang si Sotto sa leadership skills, maaari nilang isulong ang panibagong pagbabago sa liderato ng Senado.

“That’s how it goes in the Senate. Whoever has the majority, whoever has at least 13… whoever is sitting can be replaced by whoever has at least 13 (votes),” ipinunto ni Lacson.

Ang pahayag ni Lacson ay kasunod ng pahayag kamakailan ni Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito na siya, at ang apat na iba pang senador, ay nagbabalak na umalis sa majority bloc matapos makaladkad ang ilang mga dati at nanunungkulan na senador sa imbestigasyon ng Senate blue ribbon panel sa maanomalyang flood control projects.

Gayunpaman, naniniwala ang ilang senador, tulad nina Sen. Sherwin Gatchalian at Francis “Kiko” Pangilinan na “very stable” ang pamumuno ni Sotto. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here