Home HOME BANNER STORY Lacson tiyak na babalik bilang Blue Ribbon chair – Sotto

Lacson tiyak na babalik bilang Blue Ribbon chair – Sotto

285
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III nitong Martes na halos tiyak na babalik si Senador Panfilo Lacson bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee matapos magbitiw sa puwesto sa gitna ng mga batikos sa kanyang paghawak sa flood-control investigation.

Sinabi ni Sotto na bukas si Lacson na ipagpatuloy ang pamumuno sa komite, bunsod ng kanyang pagmumuni-muni sa mga nakaraang pagdinig at paniniwalang maraming mahahalagang isyu ang nananatiling hindi nareresolba.

“Magkausap kami just a couple of days ago… I think it’s a yes. Definitely magkakaroon kami ng pagpupulong ng Blue Ribbon Committee … I think it’s very positive at this point” saad ni Sotto.

“Tiningnan niya siguro kung ano ‘yung mga nangyari nung hearing at kung ano pa ‘yung dapat puntahan … Marami pang hindi nauungkat at kung ito ay makakatulong, ang tingin niya siguro mas makakatulong ito sa ICI, Ombudsman at courts of justice,” ani Sotto.

Sinabi din ni Sotto na ang muling pagsasaalang-alang ni Lacson ay dumating matapos marinig ang mga apela mula sa mga kapwa senador at publiko.

“’Yung clamor ng ibang mga kasamahan namin, ‘yung clamor rin ng publiko na naririnig ko, sinabi ko sa kanya,” aniya.

Binanggit ni Sotto ang kahalagahan ng pagpapalakas sa iminungkahing Independent People’s Commission para palakasin ang gawain ng ICI, at sinabing ang pamumuno ni Lacson ay magiging mahalaga sa pagtugis ng mga nakabinbing kaso ng katiwalian.

Sinabi ni Sotto na malugod ni Senador Erwin Tulfo, ang vice chair at acting head ng komite, ang posibleng pagbabalik ni Lacson.

“Natuwa siya na nagko-consider na si Senator Lacson uli na bumalik,” ani pa niya.

Si Lacson ay nagbitiw sa puwesto nitong unang bahagi ng buwan, at sinabing gusto niyang bigyang-daan ang isa pang miyembro matapos ang ilang mga kasamahan ay magpahayag ng kawalang-kasiyahan sa kanyang paghawak sa imbestigasyon sa umano’y mga ghost flood control projects.

Sinabi ni Sotto na magpupulong ang Blue Ribbon Committee sa lalong madaling panahon upang pormal na talakayin ang usapin ng pamunuan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here