Home HOME BANNER STORY Lahar rumagasa sa Albay sa malakas na ulan

Lahar rumagasa sa Albay sa malakas na ulan

271
0

LEGAZPI CITY – BUMAHA ng lahar sa ilang lugar sa bayan ng Guinobatan na umagos mula sa paanan ng Bulkang Mayon, dulot ng malakas na buhos ng ulan, kahapon, Agosto 13.

Ayon kay Joy Maravillas, hepe ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, hindi madaanan ang mga kalsada sa Zones 4, 6, at 8 ng Barangay Masarawag.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) dakong 12:50 ng tanghali noong Miyerkules, nagbabala ito ng katamtamang pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malakas na hangin sa mga bayan ng Camalig, Jovellar, Guinobatan, at Pio Duran sa Albay, gayundin sa ilang bahagi ng Northern Samar at Oriental Mindoro.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here