Home ENTERTAINMENT Lakam, umaming walang kakayanan sa pyansa!

Lakam, umaming walang kakayanan sa pyansa!

1
0

Manila, Philippines – Five point eight million pesos ang halagang piyansang ipinataw kay Lakambini Chiu, nakatatandang kapatid ng TV host-actress na si Kim.

Ito’y para sa pansamantala niyang kalayaan kaugnay ng kasong 124 counts ng qualified theft.

Habang sinusulat ito’y nakapiit pa din si Lakam sa Quezon City Police District-Kamuning Police Station custodial facility ngunit ngayon ay nakapagpyansa na.

Ayon sa abogado niyang si Atty. Dominic Solis, nag-file na sila ng mosyon sa QCRTC Branch 84 para sa hinihiling na “reasonable bail.”

Ani Solis, napakalaki daw ng naturang piyansa at inamin na ang kanyang kliyente “simply does not have the means to post that entire amount.”

Matatandaang dinakip si Lakam nitong September 20 sa parking lot ng isang condominium sa Mandaluyong City, sa bisa ng arrest warrant na may petsang September 20.

Naging cooperative naman daw si Lakam na parang inaaasahan na daw ang pagkakaaresto sa kanya.

Ayon naman sa kampo ni Kim Chiu, ikinatuwa nila ang development ng Kaso.

“We are hopeful that this crucial step will expedite the ongoing legal proceedings,” ani Atty. Margarein Archernar Gregana, legal counsel ni Kim. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here