Home METRO Lalaki nahulog sa barko!

Lalaki nahulog sa barko!

MANILA, Philippines- Tuloy-tuloy ang paghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang indibidwal na nahulog mula sa cargo-passenger vessel sa karagatan sakop ng Calatagan, Batangas kahapon.

Sa incident report ng PCG, sakay ng MV Maligaya ang pasahero na si Ralph Bernard Gerona, taga-Iloilo, nang mahulog sa nasabing barko bandang alas-3:50 ng hapon.

Pag-aari ng 2GO Shipping Corporation ang barko na may gross tonnage na 29.05 at net tonnage na 12.56.

Galing ito ng Maynila patungong Bacolod sakay ang 126 crew at 425 pasahero nang mangyari ang insidente.

Inalerto ng PCG ang operator ng Vessel Traffic Management Service (VTMS)-Corregidor hinggil sa insidente ng man overboard.

Agad na sinimulan ng Coast Guard Sub-Station Calatagan ang search and rescue operation, sa koordinasyon sa VTMS Batangas, mga tauhan ng Sea Marshall na sakay ng MV MALIGAYA, at CGSS Lubang.

Ang mga dumaraang sasakyang kabilang ang MV Solid Sun ay tumulong sa paghahanap.

Sa kabila ng pagsisikap, hindi natagpuan ang biktima dahil na rin sa poor visibility kaya pansamantalang itinigil ang search operation bandang alas-6:20 ng hapon. Jocelyn Tabqngcura-Domenden