Home METRO Lalaki, nasawi sa sunog sa Pasay

Lalaki, nasawi sa sunog sa Pasay

1
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang 39-anyos na lalaki matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay 138, Zone 15, Pasay City nitong Linggo.

Ayon sa barangay, nagsimula ang sunog sa barangay hall bandang 3:00 a.m. at mabilis na kumalat sa mga kalapit na bahay. Pinaghihinalaang depektibong electrical wiring ang sanhi ng insidente.

Kinilala ang biktima bilang isang sales assistant sa isang mall.

Idineklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) na fire out ang sunog bago mag-5:00 a.m.

Nasira rin sa sunog ang day care center ng barangay. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here