ILOCOS SUR, Philippines – Patay ang isang 28-anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa Brgy. Cabigbigaan, Sto. Domingo ng lalawigang ito kagabi.
Ayon sa mga awtoridad, ang biktima ay isang drug surrenderer, residente ng naturang bayan.
Ang biktima na nakasakay ng Yamaha Mio i 125 ay bumibiyahe papuntang hilaga sa barangay road sa naturang lugar nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek o mga suspek.
Isinugod sa Magsingal District Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.
Nakarekober ang mga awtoridad ng mga fired catridges ng cal 5.56 mm at cal. 45 sa crime scene. Rolando S. Gamoso