Home METRO Lalaking dumalo sa lamay, isinunod

Lalaking dumalo sa lamay, isinunod

MANILA, Philippines – Patay ang 52-anyos na lalaki nang pagbabarilin makaraang dumalo sa isang lamay sa kapitbahay nito sa Barangay Ilog-Malino, Bolinao, Pangasinan nitong Huwebes, Pebrero 8.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Philip Bayon Tombaga.

Kararating lamang sa bahay ni Tombaga galing sa lamay ng kapitbahay nang dumating ang suspek na si Jordan Buccat Labio, 36, mula rin sa Barangay Ilog-Malino, at barilin siya gamit ang improvised caliber .22 magnum sa dibdib.

Dinala pa sa Bolinao Community Hospital ang biktima ngunit idineklarang patay.

Narekober ng pulisya ang isang fired cartrdige case para sa caliber .22 magnum at armas nito.

Naaresto sa manhunt si Labio at nasa kustodiya na ng Bolinao police.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek. RNT/JGC

Previous articleSen. Tolentino nakipagpulong sa The Hague
Next articleSwine farm projects nakakuha ng P116M pautang mula sa DBP