CAVITE- HINDI inakala ng isang lalaki na ang pagpunta nito sa birthday party ang magiging sanhi ng kanyang kamatayan matapos pagtripan saksakin ng magkapatid na adik, iniulat kahapon sa lungsod na Dasmariñas.
Kinilala ang biktimang si Frederick Encabo, 29-anyos at residente ng Barangay Victoria Reyes sa Dasmariñas, Cavite.
Tugis naman ng pulisya ang magkapatid na suspek na na kilala ang isa sa mga itong si Renato Ayson, 36, kapwa residente ng naturang lugar.
Batay sa report ng Dasmariñas police, naganap ang krimen tanghali noong Linggo sa nabanggit na lugar.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, naglalakad ang biktima patungong bithday party sa naturang lugar nang makasalubong nito ang mga suspek.
Dito, walang babalang pinagsasaksak ang biktia sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng kamatayan nito.
Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.
Nabatid, na kinumpirma ng barangay buhay na Anne Sapico up and down./Mary Anne Sapico