Home METRO Lalaking nakipamyesta, pinugutan ng ulo!

Lalaking nakipamyesta, pinugutan ng ulo!

NEGROS Occidental – Pugot na ulo na nang natagpuan ang isang lalaki na napag-alamang naki-fiesta lang at nakipag-inuman bago ang krimen.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joel Lacao-lacao, 30-anyos na natagpuan ang katawan sa tubuhan sa Barangay Poblacion Dos sa Sagay City noong Linggo.

Sa kabila nito, hindi pa rin nahahanap ang kanyang ulo.

Iniimbestigahan na ng awtoridad kung sino ang nasa likod ng krimen at mga nakasama ng biktima. RNT

Previous articleKQ atras sa Knicks’ Summer League, UAE naturalization offer
Next articleMarc Gasol opisyal nang pagreretiro