Home METRO Lalaking nasabugan ng LPG sa Pandacan, agad inayudahan

Lalaking nasabugan ng LPG sa Pandacan, agad inayudahan

227
0

MANILA, Philippines – TINIYAK ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) na susuportahan nito at tutulungan sa pangangailangang medikal ang 41-anyos na lalaki na nalapnos ang balat sa kanyang katawan makaraang masabugan ng liquefied petroleum gas (LPG) habang nagluluto ng panindang almusal nitong Huwebes ng umaga sa Pandacan, Maynila.

Sa ulat ni MDSW Director Jay Reyes Dela Fuente kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, agad silang nagpahatid ng tulong sa pamilya ng biktima na kinilalang si Aniseto Benito Jr., ng 1781 Int. 14 Narra St., Kahilum 1, Barangay 871, Pandacan makaraang masabugan ng lpg at kasalukuyang nagpapagaling sa Philippine General Hospital (PGH).

Nabatid na personal na nagpa-abot ng tulong si MDSW Dir. Dela Fuente sa pamilya ng biktima ng DSWD food box, kitchen kit, hygiene kit, sleeping kit, at financial assistance na P10,000.

Nangako naman si Dela Fuente na tutulong ang MDSW sa mga natitirang pangangailangang medikal ng biktima, kabilang ang mga referral, koordinasyon sa mga ahensya, at iba pang tulong na kinakailangan upang matiyak ang kanyang ganap na paggaling at ang kapakanan ng kanyang mga anak.

Ang agarang aksyon ng MDSW ay bahagi ng mandato ni Yorme Isko na gobyernong “bilis kilos” at ang paulit-ulit nitong sinasabi na “may gobyerno na sa lungsod ng Maynila”. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here