Manila, Philippines – Hindi lang mahaba ang hair ni Claudine Barretto–super haba pa!
Ayon kasi sa kanyang Facebook post, may lalaking may gusto sa kanya who’s willing to junk his partner in favor of the actress.
Pero agad na itong tinapat ni Claudine who can be friends with anybody: “Pero kung may partner ka at willing siyang iwan if sasagutin kita, malabo ‘yon.
“Sorry but I will never be the cause of another woman’s pain.”
Nakiusap din si Claudine na kung maaari’y iwasan siya ng ‘di pinangalanang lalaki.
Iniiwasan ni Claudine na malaman pa ‘yon ng karelasyon ng guy.
In an instant, nag-trending ang post na ‘yon ni Claudine–prompting the netizens to refer to Boss Toyo as the mystery guy.
Malakas daw kasi ang tama ni Boss Toyo sa aktres.
Claudine, however, was quick to get Boss Toyo off the hook–hindi daw ito ang tinutukoy niya.
Nag-apologize din si Claudine sa partner nitong si Jhoy dahil nadamay tuloy sila ni Boss Toyo.
Nag-post lang daw si Claudine para tigilan na siya ng lalaking ‘yon sa pangungulit sa kanya.
O, ‘di ba, mala-Rapunzel ang hair ni Clau sa haba? Ronnie Carrasco III