Home METRO Lalaking wanted sa kasong rape sa Kyusi, arestado sa Caloocan

Lalaking wanted sa kasong rape sa Kyusi, arestado sa Caloocan

230
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaking wanted sa kasong rape sa Quezon City matapos makorner ng pulisya sa manhunt operation sa Caloocan City.

Batay sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni Caloocan Police Acting Chief P/Col. Joey Goforth ang manhunt operation laban sa 35-anyos na akusado na kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person ng Quezon City Police.

Dakong alas-12:00 ng hating gabi nang tuluyang makorner ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan City Police Station ang akusado sa Lapu-Lapu St., corner Caimito Road, Brgy., 78.

Ang akusado ay dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trail Court Branch 77, Quezon City, noong March 3, 2020 para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Caloocan City Police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here