Home NATIONWIDE Landslide, baha nanalasa sa Puerto Galera; lalaki nasagip sa guho

Landslide, baha nanalasa sa Puerto Galera; lalaki nasagip sa guho

1
0

ORIENTAL MINDORO — Sunod-sunod na landslide at pagbaha ang tumama sa Puerto Galera nitong Martes, Agosto 18, habang patuloy ang malakas na pag-ulan dulot ng habagat.

Sa Barangay Sinandigan, isang lalaki ang natabunan ng gumuhong lupa at debris ngunit agad na nasagip ng mga residente at isinugod sa ospital. Hindi pa malinaw ang kanyang kasalukuyang kondisyon.

Isang hiwalay na landslide ang naitala dakong alas-8 ng umaga sa Sitio Talipanan, Barangay Aninuan. Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.

Samantala, hindi madaanan ng mga sasakyan ang bahagi ng national road sa boundary ng San Isidro at Aninuan malapit sa Camprock matapos ang pagguho ng lupa dakong alas-7:15 ng umaga, ayon sa Puerto Galera Public Information Office.

Binaha rin ang highway sa Barangay San Isidro malapit sa White Beach, dahilan upang maging mahirap o hindi madaanan ang ilang bahagi ng kalsada.

Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan ang Puerto Galera at iba pang bahagi ng Oriental Mindoro dahil sa habagat.

Pinag-iingat ang mga motorista at residente sa mga landslide- at flood-prone area at pinapayuhang sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan habang nagpapatuloy ang clearing at monitoring operations. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here