Home NATIONWIDE Landslide-prone areas sa Benguet muling sinuri

Landslide-prone areas sa Benguet muling sinuri

286
0

MANILA, Philippines – Muling sinusuri ng pamahalaang panlalawigan ang mga lugar na madaling kapitan ng pagguho ng lupa, partikular ang mga apektado sa panahon ng Super Typhoon Nando (international name Ragasa), upang matukoy kung ang mga plano sa paghahanda sa kalamidad ay kailangang i-update, sinabi ni Benguet Governor Melchor Diclas.

Binanggit ng gobernador na ang climate change at ang “aging earth” ay naging dahilan upang mas hindi mahuhulaan ang mga insidenteng may kinalaman sa panahon, lalo na sa mga bulubunduking lugar tulad ng Benguet at Cordillera.

Ayon pa sa gobernador, ang nakamamatay na pagguho ng lupa sa Tuba sa kahabaan ng Marcos Highway dahil sa bagyong Nando, ay nagresulta ng pagkamatay ng isa, nasugatan ang iba pa, at nasira ang mga sasakyan.

Nagresulta rin ng pagkaantala ng pagbubukas ng mga kalsadang kritikal para sa transportasyon ng gulay ay binigyang diin din ang kahinaan ng lalawigan.

Hinimok ni Diclas ang mga residente na manatiling mapagmatyag, lalo na sa Severe Tropical Storm Opong na inaasahang makakaapekto sa rehiyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here