Manila, Philippines- Thirty eight years na palang kasal nina Senator Bong Revilla and Cavite Second District Representative Lani Mercado. At patuloy ang matatag na relasyon ng kilalang husband and wife tandem sa mundo ng showbiz at politika.
Dumalaw ang aming media group na TEAM (The Entertainment Arts & Media) sa kanilang dalawa sa office ni Senator Bong sa senado.
Dito’y binigyan ng TEAM officers ang dalawa ng plaque of appreciation bilang pasasalamat sa walang sawang suporta nila sa aming grupo.
Animo’y hindi tumatanda si Rep. Lani, hindi siya mukhang 56 years old. Mukhang nasa early 40’s pa lang ang aktres na mambabatas.
Kaya inusisa namin si Rep. Lani kung ano ba ang kanyang beauty secret?
Nakangiting sagot niya, “Si Senator Bong, hahaha! Bale ano, happy lang. Happy inside and out.”
Pero ano ang sikreto ng kanilang matibay na marriage?
Esplika pa ni Rep. Lani, “We are married for 38 years this year. Ang sikreto? Basta nagkakaintindihan kaming dalawa, iyon ang mahalaga. We understand each other.”
Nagkakaroon pa rin ba sila ng arguments?
“May arguments pero hindi na ganoon kabigat. Kasi, Diyos ko! Nasa mid-life na kami, ‘yung sense of maturity namin medyo mataas na. Hindi na namin pinapahaba kapag may tampuhan.
“At saka we have ano, may extra effort kami to look good for each other,” pakli pa ng kumander ni Sen. Bong.
Nagde-date pa ba rin sila?
“Yes, dapat… nagde-date pa rin kami ni Senator Bong. Actually, sometimes iyong trabaho namin, iyon na minsan ang date namin kapag wala nang time talaga. Iyon na iyon…
“Kunwari may nag-invite sa amin sa wedding, dalawa kaming nandoon, parang tine-take advantage namin, parang date na rin iyon. We don’t look at it as work, we take advantage iyong every moment na together kami,” nakangiting pahayag ni Repl. Lani.
Sa ngayon daw, ang focus niya ay ang pagiging mambabatas kaya hindi muna niya naiisip ang magbalik-showbiz.
“I’m focused on my job sa congress,” sambit pa niya na nalaman din namin sa aming short na tsikahan na nagsimula siyang maging isang public servant noong year 2010. Nonie Nicasio