Home ENTERTAINMENT Lani Misalucha, nagka-vocal slip; Audience, naawa!

Lani Misalucha, nagka-vocal slip; Audience, naawa!

182
0

Viral hanggang ngayon sa buong USA ang guesting ni Lani Misalucha sa concert ng Star A Million Finalist sa Nocturne Theatre sa Glendale, California.

Nasintunado kasi ang Ate Lani sa sariling kanta nito na “Bukas Na Lang Kita Mamahalin.” As in nahuhuli pa siyang sabayan ang banda na nag-accompany sa kanyang performance.

Sa video na ipinadala sa aking messenger ng ating kababayan sa US, mapapanood na sa awa ng crowd ay sinabayan na lang nila sa pagkanta si Lani.

In fairness, alam ng crowd ang lyrics ng hit song na ito ng Asia’s Nightingle.

Paano yan, may scheduled concert pa naman si Ate Lani sa The Atrium, Cagayan De Oro City ngayong April 18, 2026.

Sana ay maging maayos na at nasa kondisyon na ang boses ng international singer at kung hindi, baka pag-walk out ang audience.

Baka inatake lang kasi ng kanyang sakit si Ate Lani sa kanyang concert sa California.

In-admit na naman niya sa national TV na minsan, kapag umaatake ito ay hindi niya madinig ang kanyang boses.

Well, we hope na sana ay gumaling na siya. Peter Ledesma

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here