Home NATIONWIDE Layunin ni PBBM: isang college graduate para sa bawat pamilyang Pinoy

Layunin ni PBBM: isang college graduate para sa bawat pamilyang Pinoy

290
0

MANILA, Philippines – Determinado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mapagtagumpayan ang kanyang isang layunin bago pa magtapos ang kanyang termino at ito ay tiyakin na sa bawat pamilyang filipino ay mayroong isang college graduate.

Sa huling episode ng kanyang PBBM Podcast, na may titulong “Sa Likod ng Sona,” tinanong ang Pangulo kung anong proyekto ang masigasig niyang nais na makamit bago ang 2028.

“Education. What I said in the Sona that every Filipino family should have a college graduate or someone who has graduated from TESDA [Technical Education and Skills Development Authority]” ang sinabi ng Pangulo.

“That, for me, is the goal. If we can achieve this, then that’s a success,” dagdag na wika nito.

Naniniwala naman si Pangulong Marcos na ‘doabe’ ang kanyang layunin kahit pa nasa ‘final half’ na siya ng kanyang termino.

“If the training is not good, if the education of Filipinos is not good, they won’t be able to compete in the labor market, right? They won’t have—they also won’t have—all that we’ve done will be of no advantage to them. That’s why, in the end, it all really comes down to education,” ang pahayag nito.

“Our greatest resource is our people. Our greatest resource is the human capital of the Philippines,” ang winika pa ng Pangulo.

Sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, nangako si Pangulong Marcos na magpapatayo ng karagdagang 40,000 silid-aralan sa buong bansa bago matapos ang kanyang termino.

“Katuwang ang pribadong sektor, sisikapin nating madagdagan pa ng 40,000 na silid-aralan bago matapos itong administrasyon. Maglalaan tayo ng sapat na pondo dito alang-alang sa ating mga mag-aaral,” pahayag ng Pangulo.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos, hihilingin niya ang buong suporta ng Kongreso upang matustusan at maisakatuparan ang nasabing plano.

Batay sa datos ng Department of Education (DepEd), kasalukuyang may kakulangan na humigit-kumulang 165,000 silid-aralan sa buong bansa—isang isyung matagal nang hinaharap ng sektor ng edukasyon sa Pilipinas. /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here