Home METRO Lebel ng tubig sa Laguna de Bay, tumaas dahil sa habagat

Lebel ng tubig sa Laguna de Bay, tumaas dahil sa habagat

1
0

LAGUNA, Philippines – Malaki ang itinaas ng lebel ng tubig sa Laguna de Bay dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng pinalakas na habagat, ayon sa Laguna Lake Development Authority (LLDA).

Batay sa near-real-time monitoring ng Radar Level Sensors (RLS), umabot sa 12.03 metro ang karaniwang lebel ng tubig noong 7 a.m. ng Agosto 11, na may saklaw na 12.02 hanggang 12.06 metro.

Ayon sa LLDA, “Within a span of five days, from August 6 to 11, the water level of Laguna de Bay rose by 660 millimeters, from 11.30 meters to 12.03 meters.”

Itinakda ng LLDA ang mga threshold ng lawa: 10.50 metro para sa critical low level, 12.03 metro bilang kasalukuyang antas sa normal o ligtas na transition range, at 12.50 metro bilang critical high level.

Bagama’t mas mababa pa rin ang kasalukuyang lebel sa critical high level, nagbabala ang LLDA na maaaring patuloy pang tumaas ang tubig kung magpapatuloy ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.

Ayon pa sa ahensya, “While current elevations remain well below the critical high-water mark, the lake acts as a natural catch basin for the surrounding watersheds of Rizal, Laguna, and parts of Metro Manila. Continuous moderate to heavy rains will trigger a steady rise in water levels in the coming weeks.”

Sinabi ng LLDA na ang enhanced southwest monsoon ang pangunahing weather system na nakaaapekto sa Metro Manila at Calabarzon, batay sa impormasyon ng PAGASA.

Mula Agosto 5 hanggang 9, nagdala ang Tropical Storm Maymay (Kujira) at habagat ng madalas na malakas na ulan, na nagresulta sa orange at red rainfall warnings.

Hinikayat ng LLDA ang mga komunidad sa baybay ng lawa at mga lokal na pamahalaan sa mabababang lugar na maghanda laban sa lokalisadong pagbaha sa panahon ng malakas at matagal na pag-ulan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here