Home SPORTS LeBron nagka-injury sa groin, pahinga muna sa Lakers

LeBron nagka-injury sa groin, pahinga muna sa Lakers

LOS ANGELES, United States — Inaasahang hindi bababa sa isa hanggang dalawang linggong hindi makapaglalaro ang superstar ng Los Angeles Lakers na si LeBron James dahil sa groin strain, ayon sa ulat.

Si James, ang all-time leading scorer ng NBA, ay lumabas ng court sa 4th quarter sa naging pagkatalo ng Lakers sa Boston Celtics noong Linggo.

Ayon sa insider, hihintayin pa umano niya ang pinsala na “medyo gumaling” bago ito masuri.

Samantala ang Lakers “ay naghahanda na maglaro na wala si LeBron sa loob ng ilang panahon at magiging maingat habang hawak nila ang ikatlong seed sa Western Conference.”

Minaliit ni James ang pinsala kaagad pagkatapos ng laro, sinabing “walang labis na pag-aalala”.

Aniya, hindi ito kasinseryoso ng pinsalang natamo niya sa singit na naging dahilan ng hindi niya paglalaro ng 17 laro noong 2018-19 season.

Ang pinsala sa 40-taong-gulang na pambato ng Lakers ay dumating habang ang koponan ay umaakyat sa playoffs.

Ang pagkatalo sa Boston ay pumutol sa walong sunod na panalo na nagdala sa kanila sa ikalawang puwesto sa Western Conference sa pangunguna ng Oklahoma City Thunder. Nasa ikatlo na sila, kalahating laro sa likod ng Denver Nuggets.

Naglalaro sila ng pitong laro sa loob ng 11 araw simula sa Lunes, kabilang ang dalawang laro laban kay Nikola Jokic at Nuggets at dalawa laban kay Giannis Antetokounmpo at Milwaukee Bucks.

Si James, na noong Martes ay naging unang manlalaro na umiskor ng 50,000 career points sa regular season at playoffs na pinagsama, ay may average na 25 points 8.5 assists at 8.2 rebounds ngayong season.JC