Home NATIONWIDE Legarda sa BuCor: Masungi Georeserve ‘wag tayuan ng establisyimento

Legarda sa BuCor: Masungi Georeserve ‘wag tayuan ng establisyimento

MANILA, Philippines – Umapela si Senate President Pro Tempore Loren Legarda nitong Miyerkules sa Bureau of Corrections (BuCor) na tigilan ang pagtatayo ng mga establisyimento sa Masungi Georeserve sa Tanay, Rizal.

Sa isang panayam, sinabi ni Legarda na “legal na nagmamay-ari” ang BuCor ng isang lupain sa Masungi. Ito, alinsunod sa Proclamation No. 1158 na nilagdaan noong 2006 ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

“Naiintindihan ko naman na wala na silang balak lumipat doon. Sa tingin ko, magiging katangahan ang paglipat nila doon. Let the title remain if they own it,” ani Legarda, isang kilalang tagapagtaguyod ng kapaligiran.

“Please, huwag kayong maglagay ng kulungan dyan. Huwag kayong maglagay ng mga headquarters o opisina dyan. Iwanan mo na lang for conservation, please,” apela pa niya.

Nauna nang kinumpirma ng BuCor na may plano itong magtayo ng bagong headquarters sa loob ng Masungi Georeserve.

Ang ahensya, gayunpaman, ay ipinagpaliban ang planong ito noong 2023. RNT