Home NATIONWIDE Legislated wage hike bill pinatay ng Senado – Abante

Legislated wage hike bill pinatay ng Senado – Abante

MANILA, Philippines- “Let’s not sugarcoat it — the Senate killed the ₱200 wage hike bill.”

Ito ang pahayag ni House Spokesperson Atty. Princess Abante kasabay ng desisyon ng Senado na huwag mag-convene ang Bicameral Conference Committee para maipasa ng Kamara at Senado ang panukala para sa pagtaas ng sahod ng mga mangagawa sa private sector.

“Last night was the final session of the 19th Congress. No bicam. No compromise. No wage hike. And the reason is simple: Ayaw ng Senado makipag-usap. Gusto nila, tanggapin na lang nang buo ang ₱100 nila. Bakit? Bakit binabarya ng Senado ang mga manggagawa?” pahayag ni Abante.

Aniya, ang House bicameral conferees ay naghanda sa gagawing Bicam subalit hanggang sa magtapos ang sesyon ng Kongreso ay walang Senate Bicameral Conferees ang dumating.

“Tumaas ang kilay ng bicam conferees namin nang tanungin kung ano ang nangyari. They were ready to sit down, defend the ₱200 proposal, and fight for labor — only to find out the Senate had no intention of meeting at all,” wika niya,

Una nang inaprubahan ng Kamara sa huli at ikatlong pagbasa ang ₱200 daily wage increase, ang bersyon ng Senado sa panukala ay P100 pagtaas kaya naman dapat magkaroon ng Bicam upang talakayin ang magkaibang bersyon subalit hindi ito nangyari, ang resulta, walang anumang pagtaas ng sahod na magaganap.

“We were ready to deliberate. We came in good faith. But what the Senate gave us was a take-it-or-leave-it ultimatum. ‘Wala silang balak makipag-usap. Gusto nila, sunod lang kami.’ That’s not how democracy works. That’s not how we serve the people,” paliwanag ni Abante.

Depensa ni Abante na ang House version ng panukala ay pinag-aralang mabuti at mayroong safety nets para sa MSMEs.

“This was not a reckless proposal. It was a responsible, well-considered measure. But instead of dialogue, ang ibinalik sa amin ay tahimik na pagtanggi at pagmamadali,” giit ni Abante.

Binigyang-diin ni Abante na kailangan ng publikong malaman ang katotohanan ukol sa naunsyaming taas sahod.

“The wage hike didn’t fail due to lack of effort—it failed because of the Senate’s unwillingness to deliberate.The people deserve accountability. Hindi ito pagkukulang ng Kamara. Ginawa namin ang trabaho namin. Pero ang Senado, iniwan sa ere ang manggagawa,” aniya.

Nilinaw ni Abante na hindi barya ang kailangan ng manggagawa bagkus ang kailangan ay sahod na makatao at makatarungan kaya iginigiit ng Kamara ang P200 across the board wage hike. Gail Mendoza