Home HOME BANNER STORY ‘Leon’ bagyo na; Signal No. 2 pinairal ng PAGASA

‘Leon’ bagyo na; Signal No. 2 pinairal ng PAGASA

146
0

MANILA, Philippines- Itinaas ang tropical cyclone wind Signal No. 2 sa apat na lugar sa Cagayan Valley sa [paglakas ni “Leon” (international name: Kong-rey) bilang isang bagyo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes.

Kasalukuyang umiiral ang Signal No. 2 sa Batanes, Babuyan Islands, eastern portion ng mainland Cagayan (Gattaran, Baggao, Lal-Lo, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, Santa Ana, Pe), at northeastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Maconacon).

Samantala, ikinasa ang Signal No. 1 sa natitirang bahagi ng mainland Cagayan, natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Aurora, northernportion ng Quezon saklaw ang Polillo Islands (General Nakar, Infanta, Real), Camarines Norte, eastern portion ng Camarines Sur (Tinambac, Siruma, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, Tigaon, Calabanga, Saglay), Catanduanes, eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Tiwi, Malilipot, Malinao, Santo Domingo, Manito), at northeastern portion ng Sorsogon (Prieto Diaz, City of Sorsogon, Gubat).

Inaasahan ng PAGASA na itataas ang Signal No. 3 o 4 sa patuloy na paglakas ni Leon at paglapit sa extreme Northern Luzon. 

Subalit, nakaamba pa rin ang posibilidad ng pagpapairal ng Signal No. 5 sakaling maging super typhoon si Leon.

Hanggang alas-11 ng umaga, ang bagyo ay may maximum sustained winds na 130 kilometers per hour (kph) malapit sa sentro at gusts na aabot ng 160 kph.

Ang sentro ng bagyo ay 555 kilometers east ng Tuguegarao City, Cagayan, patungo sa direksyong west-northwestward sa bilis na 10 kph.

Sinabi ng PAGASA na inaasahang lalabas si Leon ng Philippine Area of Responsibility sa Huwebes o Biyernes. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here