Home NATIONWIDE LGUs, nat’l agencies nakaalerto sa pagbayo ni Leon

LGUs, nat’l agencies nakaalerto sa pagbayo ni Leon

99
0

MANILA, Philippines- Naka-high alert ang mga kinauukulang national at local government units kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maghanda para sa posibleng epekto ng Super Typhoon Leon.

Sinabi ng Presidential Communication Office (PCO), araw ng Huwebes na kinumpirma na ni Batanes Governor Marilou Cayco na isinasagawa na ang ‘evacuation efforts’ para sa mga residente na apektado ng bagyong Leon. Idagdag pa rito na naipamahagi na ang food packs para sa susunod na tatlong araw.

Sinabi pa rin ni Cayco na naka-deploy na ang mga healthcare at social welfare personnel sa evacuation centers.

Samantala, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary for Disaster Response Management Group (DMRG) Diana Rose Cajipe na nakahanda na ang 2,000 family food packs para sa mga apektadong residente ng Batanes.

Winika ni Cajipe na ang karagdagang 5,500 family food packs ay dadalhin ng Philippine Coast Guard (PCG) vessel mula Pangasinan patungong Batanes “as soon as the weather permits.”

“We will coordinate with the Office of the Civil Defense (OCD) kasi kapag nag-clear mas mabilis po tayo makapagpalipad through C130, definitely magdadala na tayo kaagad sa Batanes,” ang sinabi ni Cajipe.

Samantala, sinabi ng PAGASA na tinatahak na ng bagyong Leon ang direksyon patungong Taiwan. Ang sentro ng bagyong Leon ay matatagpuan sa 110 kilometers north northeast ng Itbayat, Batanes at kumikilos patungong northwestward na may 20 kilometers per hour (kph).

Napanatili naman ng bagyong Leon ang malakas na hangin na 195 kph malapit sa sentro at pagbugso ng hanggang 240 kph. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here