MANILA, Philippines – Sumailalim sa vaccination program ng Department of Health (DOH) ang nasa 5,000 Pilipinong Hajj pilgrims bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa paglalakbay patungong Saudi Arabia.
Ayon sa DOH, mahalaga ang pagbabakuna upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit, lalo na’t inaasahang dadalo ang milyun-milyong deboto mula sa iba’t ibang bansa sa Hajj pilgrimage.
Kabilang sa mga kinakailangang bakuna ang laban sa meningococcal disease, na isa sa pangunahing health requirements para sa mga pupunta sa naturang okasyon.
Hinimok din ng ahensya ang mga pilgrims na tiyaking kumpleto ang kanilang bakuna at sundin ang mga health advisory upang maiwasan ang pagkakasakit habang nasa ibang bansa.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na mapangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipinong sasabak sa isa sa pinakamalaking religious gatherings sa mundo. Jocelyn Tabangcura-Domenden