Home NATIONWIDE Libo-libong miyembro ng LGBT community dumagsa sa Pride PH 2024 sa QC

Libo-libong miyembro ng LGBT community dumagsa sa Pride PH 2024 sa QC

MANILA, Philippines – Nagtipon-tipon sa Quezon City Circle ang libo-libong miyembro ng LGBTQIA+ Community sa selebrasyon ng Pride PH Festival 2024 sa Quezon City nitong Sabado, Hunyo 22.

Ayon sa mga organizer ng Pride PH at Quezon City government, mahigit 200,000 indibidwal ang dumalo sa Love Laban 2 Everyone festival.

“We have to always remember that pride is a protest. Kahit may mga kasiyahan tayo, tandaan natin na malayo pa ang ating laban sa pakikipagbaka para sa karapatan ng LGBT Community,” pahayag ni Pride PH National Convenor Angel Romero.

Dumating ang mga attendees suot ang kanilang makukulay na mga outfit at costumes.

Nagkaroon din ng pag-martsa mula sa Tomas Morato Avenue patungong Quezon City Memorial Circle.

Mayroon ding mga banda at designed floats sa naturang matsa.

Sa kabila nito, maagang natapos ang selebrasyon dahil sa malakas na buhos ng ulan pagsapit ng gabi.

“Dahil dito napagdesisyunan ng mga organizer na unahin ang kapakanan at kaligtasan ng lahat at tapusin nang maaga ang programa ngayong gabi,” saad sa pahayag ng Pride PH at Quezon City.

“We are proud of our community along with the many allies that have joined us dahil ipinakita natin ang ating good behaviour and also our resolve. We will need more of this show of force and love letter to national leaders in the crucial 6 months na kakailanganin natin ang lakas at suporta ng isa’t isa para sa SOGIE Equality Bill at para makamit ang pangarap nating lipunang may pag-ibig at pagkakapantay-pantay,” dagdag pa sa pahayag.

“Hindi po ito ang pagtatapos ng ating laban. Ang Pride ay pang-araw-araw, at marami pang pagkakataon na tayo ay muling magsasama-sama.” RNT/JGC