Home NATIONWIDE Libong mahihirap sa Isabela inayudahan ni Bong Go

Libong mahihirap sa Isabela inayudahan ni Bong Go

MANILA, Philippines – Namahagi ng tulong ang Malasakit Team ni Senador Christopher “Bong” Go sa Cauayan City, katuwang ang mga lokal na opisyal ng lalawigan ng Isabela, isang pagpapakita ng kanyang hindi natitinag na dedikasyon sa pagtulong sa mamamayang Pilipino tungo sa pagbangon.

Isinagawa ng Malasakit Team ang inisyatiba sa Isabela State University Gymnasium, kung saan 1,949 mga mahihirap ang nagtipon at tumanggap ng mga kamiseta, bola para sa basketball at volleyball. Nakatanggap din ang iba ng pares ng sapatos at mobile phone.

Samantala, ang mga naghihirap na residente ay nakatanggap ng suportang pinansyal mula sa gobyerno katuwang sina Vice Governor Faustino Bojie Dy at Mayor Caesar Dy.

Sa isang video message, kinilala ni Go ang kahirapan ng mga nasa krisis at tiniyak sa mga tao na ang gobyerno ay patuloy na gagawa ng mga paraan upang sila’y suportahan sa mga panahong ito ng pagsubok.

Bilang bahagi ng pangako at bilang Chairperson ng Senate Committee on Health, hinimok ng senador ang mga residente na bisitahin ang Malasakit Centers sa Southern Isabela Medical Center sa Santiago City at Gov. Faustino N. Dy Sr. Memorial Hospital sa Ilagan City.

Ang Republic Act No. 11463, o ang Malasakit Centers Act of 2019, na pangunahing isinulat at itinataguyod ni Go, ay naglalayong suportahan ang mga mahihirap na pasyente sa pagbabawas ng kanilang mga gastos sa ospital sa pinakamaliit na posibleng halaga.

Sa kasalukuyan, 165 Malasakit Centers ang operational sa buong bansa, na nakahandang tumulong sa mga gastusin sa pagpapagamot ng mga pasyente.

Bukod pa rito, patuloy na ibinubuhos ni Go ang kanyang pagsisikap sa pagsusulong ng pagtatatag ng mga Super Health Center, lalo na sa malalayong komunidad.

“Patuloy nating ilapit ang serbisyong medikal mula sa gobyerno sa mga taong mahihirap at walang ibang malalapitan. Tandaan natin ang kalusugan ay katumbas ng buhay ng bawat Pilipino,” pagdiin ni Go. RNT