Home NATIONWIDE Ilang pantalan sa Bicol, balik-biyahe na

Ilang pantalan sa Bicol, balik-biyahe na

MANILA, Philippines – Balik-byahe na ang mga sasakyang pandagat sa ilang pantalan sa ilalim ng Port Management Office (PMO) ng Bicol ngayong araw, ika-26 ng Mayo taong 2024.

Alinsunod sa inilabas na sea travel advisory ng mga Coast Guard Stations ng Albay at Catanduanes kaninang alas-5 ng umaga, maaari ng maglayag ang mga barko sa mga sumusunod na pantalan:

Port of Matnog

Port of Bulan

Port of Castilla

Baseport Legazpi

Port of Tabaco

Port of Pio Duran

Port of Virac

Port of San Andres

Paalala ng Philippine Ports Authority sa mga apektadong pasahero na direktang makipag-ugnayan sa mga concerned shipping lines para sa karagdagang impormasyon.

Balik byahe na rin ang mga barko sa Masbate at Ticao patungong Sorsogon at iba pang karatig probinsya sa Visayas alinsunod sa ibinabang Sea Travel Advisory ng CGS-Masbate kaninang umaga.

Samantala, suspendido pa rin ang mga biyahe patungo sa Isla ng Burias, Hilagang bahagi ng Albay, Camarines Sur, at Quezon. Jocelyn Tabangcura-Domenden