Home NATIONWIDE Libong mahihirap sa Laoang, Northern Samar, inayudahan ni Bong Go

Libong mahihirap sa Laoang, Northern Samar, inayudahan ni Bong Go

169
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ang Malasakit Team ni Senator Christopher “Bong” Go ng relief operation para sa 1,000 mahihirap na residente sa Laoang, Northern Samar noong Miyerkules sa Laoang Center for Culture and Arts gymnasium.

Ang pamamahagi ng ayuda ay sa pakikipagtulungan nina Congressman Harris Ongchuan at Mayor Hector Ong kung saan ay nakatanggap din sila ng tulong pinansyal mula sa goyerno.

“Mga kababayan ko, palagi tayong mag-iingat at alagaan natin ang mga sarili. Napakaimportante po talaga unahin muna natin ang kalusugan natin,” ang sabi ni Senator Go, chairperson ng Senate committee on health and demography.

Si Senator Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463, na kilala bilang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-uutos sa pagtatatag ng Malasakit Centers sa mga kwalipikadong pampublikong ospital sa buong bansa.

Hinikayat niya ang mga may problema sa kalusugan na bumisita sa Northern Samar Provincial Hospital sa Catarman, na mayroong Malasakit Center na nag-aalok ng tulong medikal mula sa apat na ahensya ng gobyerno: Department of Social Welfare and Development, Department of Health, PhilHealth, at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa ngayon, 165 Malasakit Centers sa buong bansa ang nakatulong na sa mahigit sampung milyong Pilipino.

“Huwag kayong matakot pumunta sa ospital kung wala kayong pera. Nasa loob na ng isang opisina ang mga ahensya na tutulungan kayo sa inyong babayaran. Pera niyo ‘yan, para sa inyo ‘yang Malasakit Center,” paniniyak ni Go.

Kaugnay nito, kinilala ni Senador Go ang pagsisikap ng mga lokal na opisyal sa pagbibigay prayoridad sa interes ng kanilang mga nasasakupan at pagbibigay ng mahalagang suporta, lalo sa mapanghamong panahon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here