Home METRO Libreng CATH Lab sa Ospital ng Maynila, binuksan sa publiko

Libreng CATH Lab sa Ospital ng Maynila, binuksan sa publiko

276
0

MANILA, Philippines – Pinasinayanan ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang kauna-unahang Cardiac Catheterization Laboratory (Cath Lab) sa Ospital ng Maynila, isang espesyal na pasilidad na magbibigay ng life-saving heart procedure nang walang bayad sa mga residente ng lungsod.

Nabatid na ang nasabing laboratory ay lisensyado ng Department of Health (DOH) noong Enero 7, ay naglalaman ng mga advanced na kagamitan sa imaging upang masuri at magamot ang mga cardiovascular disease nang walang operasyon.

Ayon kay Domagoso, karaniwan na ang mga angiogram procedures sa mga pribadong ospital ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa ₱58,000, habang ang angioplasty ay maaaring umabot ng higit sa ₱300,000.

Ayon sa pamahalaang lungsod, sa bagong pasilidad ng Maynila, ang mga pamamaraang ito ay unti-unting ilulunsad nang walang bayad sa mga pasyente.

“Today is the start of a long journey, because we are going to deliver angiogram, and hopefully later on, magkaroon tayo ng angioplasty,” ani Domagoso.

Idinagdag niya na ang laboratoryo ay bahagi ng mas malaking pananaw na kinabibilangan ng pag-convert ng lumang Ospital ng Maynila sa bagong Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) Academic Building para sa Health Sciences.

Ang nasabing hakbang ay bahagi ng mas malaking bisyon ng lokal na pamahalaang lungsod kung saan kabilang na dito ang pag-convert ng lumang Ospital ng Maynila sa bagong Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) Academic Building para sa Health Sciences.

“From producing 300 to 500 graduates, we will now produce 5,000 medical professionals. That’s contribution and participation to nation-building,” ayon kay Yorme.

Ikinadismaya din ni Yorme na hindi man lang nagamit ang nasabing lab nitong nagdaang administrasyon kung saan nasimulan na ito noong unang termino pa lamang niya bilang alkalde ng Maynila.

“If somebody did their job, we could’ve saved one person last week. Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib, gusto niya magpa-check up, hindi siya naka-avail. Inatake nga sa puso,” ani Domagoso.

Sinamantala rin ni Domagoso ang pagkakataon na ipagtanggol ang mga health worker ng lungsod, at sinabing hindi patas na sisihin sila sa mga pagkabigo ng sistema ng nakaraang administrasyon.

“Kahit pa sa Harvard nag-aral ang mga doktor natin, hindi rin tayo magagamot kung kulang ang makina o gamot,” dagdag pa ni Domagoso.

“Rest assured, despite lack of resources, we will continue to support our doctors and nurses with the facilities they need,” ayon pa kay Yorme. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here