Home METRO Libreng legal counsel sa kababaihan alok ng PNR sa Women’s month

Libreng legal counsel sa kababaihan alok ng PNR sa Women’s month

Bilang pagdiriwang ng Women’s Month, may alok na libreng legal counsel para sa mga babaeng pasahero at empleyado ang Philippine National Railways (PNR) mula Marso 8 hanggang 22 bilang pagdiriwang ng Women’s Month.

Ayon sa isang pahayag noong Huwebes, ang mga babaeng pasahero at empleyado ay maaaring maka-avail ng libreng serbisyo mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Marso 8, 15 at 22.

Ang serbisyo ay makukuha sa PNR Tutuban Station.

“Ang libreng legal consultation ay bilang pakikiisa ng PNR sa selebrasyon ng National Women’s Month na layong kilalanin at pahalagahan ang karapatan ng bawat kababaihan,” ayon sa pahayag ng PNR.

Maari namang mag-register ang mga interesadong indibidwal sa https://bitly.ws/3fboZ upang makakuha ng nasabing alok. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous article10 taong anibersaryo ng pagkawala ng MH370 plane inalala
Next articleMga bata sa Gaza namamatay sa gutom – WHO