MANILA, Philippines- Magbibigay ang Light Rail Transit Authority (LRT-2) ng libreng skay para sa mga kababaihan sa March 8 mula 7 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m.
Bahagi ito ng Serbisyo para kay Juana 2025 para sa pagdiriwang ng National Women’s Month.
“SERBISYO PARA KAY JUANA: In celebration of National Women’s Month, the Light Rail Transit Authority (LRT-2) is offering FREE rides for women passengers on March 8, 2025, from 7-9 AM and 5-7 PM at all LRT-2 stations. To avail, simply claim your free ticket at the ticket booth,” saad sa Facebook post ng Manila Public Information Office nitong Miyerkules.
Maaaring i-claim ng mga kababaihan ang kanilang free tickets sa ticket counter sa mga nasabing oras saan mang LRT-2 station. RNT/SA