Home NATIONWIDE Libreng sipsip-septic tank alok ng Maynilad

Libreng sipsip-septic tank alok ng Maynilad

170
0

MANILA, Philippines – Nag-aalok ang Maynilad Water Services, Inc. ng libreng septic tank cleaning ngayong Pebrero para sa residential at semi-business customers sa piling lugar na sakop ng West Zone service area nito.

Maaaring makuha ang libreng desludging services sa ilang bahagi ng Caloocan, Las Piñas, Manila, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, Quezon City, Valenzuela, at Cavite province.

“We ask our customers to avail of this service, as it will help to protect community health and the environment,” ayon kay Zmel Grabillo, Head of Wastewater Management ng Maynilad.

Sinabi niya na bahagi ng sanitation program ng kumpanya ang hakbang upang mabawasan ang polusyon sa mga ilog sa Metro Manila.

Karaniwang umaabot sa ₱4,700 bawat truck ang bayad sa septic tank cleaning, ngunit libre itong maaaring makuha ng mga kwalipikadong customer sa mga nasabing lugar ngayong buwan.

Pinayuhan ng Maynilad ang mga interesadong customer na tumawag sa hotline 1626 o bisitahin ang kanilang website at social media pages upang malaman ang mga requirements at procedures. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here