Home HOME BANNER STORY #LibrengSakay sa mga kababaihan sa LRT2, MRT-3

#LibrengSakay sa mga kababaihan sa LRT2, MRT-3

MANILA, Philippines – Mag-aalok ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng libreng sakay sa mga babaeng pasahero sa Biyernes, Marso 8, bilang pagdiriwang ng National Women’s Month.

Sa Facebook post nitong Miyerkules, inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na ang mga babaeng pasahero ay maaaring sumakay sa linya ng LRT-2 nang libre mula 7 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m.

Sinabi ni LRTA Administrator Hernando Cabrera na ang libreng sakay para sa kababaihan ay pagpapahayag ng pasasalamat at paggalang ng LRTA sa tagumpay, talento, at kontribusyon ng kababaihan sa komunidad.

Sa kabilang banda, inanunsyo rin ng MRT-3 na mag-aalok ng libreng sakay sa mga babaeng pasahero sa parehong araw, mula 7 a.m. hanggang 9 a.m. at mula 5 p.m. hanggang 7 p.m.

Sinabi ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino na ang libreng sakay para sa kababaihan ay naglalayong maghatid ng pasasalamat at pagkilala sa mahahalagang tungkulin ng kababaihan sa lipunan. Santi Celario

Previous articleMay rollback sa March power rate – Meralco
Next articleMAS PINALAWAK, PINAGBUTING BENEPISYO – LEDESMA