MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng libu-libong pasahero sa ibat-ibang pantalan para sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2026.
Sa ulat ng PCG, nitong Sabado ng umaga, nasa 18,470 na ang mga outbound passengers habangĀ 17,101 inbound passengers.
Mayroon ding 3,579 outbound na rolling cargoes at 4,852 inbound na rolling cargoes.
Samantala, nasa 156 na barko at 15 motorbanca ang na-inspect ng PCG.
Ang Coast Guard District Southern Tagalog ang nagtala ng pinakamataas na bilang ng pasahero, na may 5,183 outbound at 5,344 inbound na pasahero sa panahon ng monitoring. Jocelyn Tabangcura-Domenden