MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang provincial governor sa Mindanao sa panawagan na lifestyle check sa lahat ng opisyal ng pamahalaan kasabay ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects sa bansa.
“I fully support lifestyle checks and I’m willing to be checked first,” sinabi ng 27-anyos na si Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu ng Sultan Kudarat province.
“But I urge that priority should be given to mayors of the poorest towns, because it’s questionable when their municipalities remain poor while they themselves become the richest in the province,” ani Mangudadatu, na nagsilbing mayor ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao del Sur mula 2019 hanggang 2022.
Aniya, bilang dating alkalde sa Maguindanao del Sur, may kilala siyang mga alkalde mula sa mahihirap na munisipalidad na kabilang sa mga pinakamayaman sa probinsya o maging sa rehiyon.
Tinukoy ni Mangudadatu ang kaso ng hindi pinangalanang town mayor na may habit ng pagsusugal at palaging nasa casino sa Metro Manila.
“When the mayor loses heavily, he availed of loans from loan sharks,” sinabi ni Mangudadatu.