Home NATIONWIDE Lifetime support alok ng PhilHealth sa kidney-transplant patients – DOH

Lifetime support alok ng PhilHealth sa kidney-transplant patients – DOH

285
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na lifetime ang suporta ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa mga pasyente ng kidney-transplant.

Sinabi ni DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na may habambuhay na suporta ang PhilHealth sa post kidney transplant sa mga pasyente.

Sa mga bagong benefit package ng PhilHealth, ang mga pasyenteng may stage 5 chronic kidney disease (CKD) at sumailalim sa kidney transplant ay bibigyan ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng higit sa P100,000 para sa mga pediatric na pasyente, at higit sa P50,000 para sa mga nasa hustong gulang bawat buwan.

Ang mga nabubuhay na kidney donor ay may karapatan din sa P1,900 na halaga ng mga laboratory tests at treatment kada anim na buwan.

Ang ibinibigay ng PhilHealth na financial assistance ay lumubo mula sa orihinal na P600,000 sa mahigit P2 milyon sa bagong package.

Tinawag ito ni Domingo na ‘game changer’ na binanggit na maraming pasyente ang tumangging sumailalim sa kidney transpalnt dahil sa post-operation maintenance fee na nagkakahalaga ng P50,000 kada buwan.

Ang bagong package para sa mga pasyente ng kidney transplant ay inilunsad noong Hunyo 19 sa National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.

Ang PhilHealth ay nakatanggap ng zero government subsidy sa ilalim ng 2025 General Appropriation Act dahil sa kanilang P600 bilyong reserbang pondo.

Ngunit nauna nang sinabi ni Domingo na ang state-run health insurer ay may resources na umaabot sa halos P755 bilyon.

Bukod sa mga kidney patients, pinalawak din ng PhilHealth ang mga benepisyo nito sa iba’t ibang package tulad ng cancer, at kasama ang coverage para sa mga emergency outpatient services at preventive oral health services. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here