Home ENTERTAINMENT Lilo, wagi sa surfing contest; Andi, proud mom!

Lilo, wagi sa surfing contest; Andi, proud mom!

301
0

Manila, Philippines – Sino’ng mag-aakala na ang isang anim na taong gulang na bata ay magpapakitang-gilas sa isang paligsahan sa surfing?

Well, meron!

Siya’y si Lilo, ang panganay nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.

Lilo–who just turned 6–finished third place at the 2nd Pacifico National Surfing Competition.

Nakilahok din doon si Philmar.

The 6-year-old kid joined the junior girls category sa contest held in Siargao where the couple and their kids are based.

Ani Andi, si Lilo daw ang aligagang sumali who they allowed for the experience.

Makikita sa larawang ipinost ni Andi na mas matangkad pa ang mga batang babaeng nakalaban ni Lilo.

Hindi ‘yon ang unang pagkakataong sumali si Lilo as she joined a local competition back in 2024.

Maging ang kapatid nitong si Koa who’s four years old ay may promise din sa larangan ng nasabing aqua sport.

Bongga! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here