Home METRO Lisensya ng 7 baril ng vlogger sa viral video, binawi ng PNP

Lisensya ng 7 baril ng vlogger sa viral video, binawi ng PNP

1
0

MANILA, Philippines – Binawi ng Philippine National Police (PNP) ang mga lisensya ng pitong rehistradong baril na pag-aari ng isang vlogger matapos kumalat ang video na nagpapakita umano sa kanya ng walang habas na pagpapaputok ng baril.

In-upload ang video noong Nobyembre 14 at binura ng nag-upload kinabukasan, ngunit kumalat na ito sa social media.

Nakikipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa vlogger upang maisaayos ang pagsuko ng mga baril.

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang Firearms and Explosives Office (FEO) ng PNP kasama ang lokal na pulisya.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Allen Rae Co, hindi maaaring basta-basta magpaputok ng baril kung walang rehistrado o accredited firing range sa sariling tahanan.

“This poses a serious threat to public safety,” ani Co.

Sinabi rin niyang maaaring in-upload ang video dahil naniniwala ang mga sangkot na wala silang ginagawang mali o upang makakuha ng views, clicks at likes.

Ayon sa PNP, nangyari ang insidente sa isang lugar sa Pampanga na tila pribadong palaisdaan o swimming pool.

Kinilala ng pulisya ang baril na makikita sa video bilang Glock 9mm, isa sa mga rehistradong baril ng vlogger. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here