Home NATIONWIDE Lisensya ng drayber na nagwagayway ng baril sa CDO, sinuspinde ng LTO

Lisensya ng drayber na nagwagayway ng baril sa CDO, sinuspinde ng LTO

219
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng show cause order at 90-araw na preventive suspension sa lisensya ng isang driver ng puting Isuzu D-MAX pick-up na umano’y nagwagayway ng baril sa ibang motorista sa Cagayan de Oro City noong Disyembre 29, 2025.

Inatasan ni LTO Chief Markus Lacanilao ang LTO Regional Office 10 na imbestigahan ang insidente, na kung mapatunayan, ay lumalabag sa Land Transportation and Traffic Code.

Inutusan ang rehistradong may-ari at driver ng sasakyan na humarap sa LTO RO-10 sa Enero 5, 2026, at magsumite ng sinumpaang paliwanag kung bakit hindi sila dapat patawan ng administratibong parusa.

Ilalagay sa LTO alarm ang pick-up upang maiwasan ang anumang transaksyon. Binanggit ni Lacanilao na kung hindi susunod, ang kaso ay aayusin batay na lamang sa umiiral na ebidensya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here