Home ENTERTAINMENT Lisensya ni Cai Cortez, suspendido, nahuling nagsasayaw!

Lisensya ni Cai Cortez, suspendido, nahuling nagsasayaw!

2
0

Manila, Philippines – Dumarami ang mga artista these days whose driver’s license has been suspended by the Land Transportation Office O LTO.

Ang latest ay ang aktres at konsehal ng Taytay, Rizal na si Cai Cortez.

Inisyuhan si Cai ng show cause order (SCO) ng LTO matapos kumalat ang video na gumagamit siya ng cellphone while driving and dancing.

Mapapanood din sa video ang pagtanggal niya ng kanyang kamay sa manibela which could pose danger.

Bale ba, hindi nakasuot ng seatbelt si Cai.

Agad nag-isyu ng SCO ang naturang ahensya sa pamamagitan ng Intelligence and Investigation Division para simulan ang pag-iimbestiga.

Sinabihan si Cai na magsadya sa LTO Central Office para magsumite ng sworn statement at paliwanag.

In the meantime, suspended ang driver’s license ni Cai sa loob ng 90 araw, kasabay ng pag-alarma sa kanvang ginamit na sasakyan.

limbestigahan si Cai sa kasong reckless, distracted driving sa ilalim ng Anti-Distracted Driving Act at paglabag sa Mandatory Use of Seatbelt Law.

Posible ding tumagal ang suspension ng lisensya ni Cai pag napatunayang isa siyang improper person to operate a motor vehicle.

At presstime, wala pang pahayag ang aktres-pulitiko.

Si Cai ay anak ng betèranong aktor na si Rez Cortez. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here