Home METRO Load limit ipinatupad ng DPWH sa tatlong lumang tulay sa Cagayan, Samar

Load limit ipinatupad ng DPWH sa tatlong lumang tulay sa Cagayan, Samar

323
0

CAGAYAN, Philippines – Ipinatupad ang load limits sa tatlong lumang tulay sa bansa kabilang ang Cagayan province at dalawa sa Samar Island dahil sa usapin ng kaligtasan para sa komyuters na tumatawid sa nasabing mga tulay.

Sa Cagayan, inatasan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagbabawal sa byahe ng six-wheeler hanggang 10 wheeler trucks pataas , ito man ay kargado man o hindi. Ito ay ang Buntun Bridge sa bayan ng Sanchez Mira upang masiguro ang kaligtasan at maiwasan na maulit ang nangyari sa Piggatan Bridge sa bayan ng Alcala na gumuho noong Oktubre 6 habang apat na trucks na loaded ng palay at construction materilas ang tumatawid.

Ipinatupad ng DPWH Cagayan 3rd District Engineering Office (DEO) ang ban sa Buntuan Bridge simula sa Oktubre 10 dahil sa sira-sirang kalagayan ng tulay.

Pinayuhan naman ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta sa pamamagitan ng Daang Maharlika Highway.

Samantala, nagpatupad ng load restrictions at one-lane traffic schemes sa dalawang major bridges sa Samar at probisnya ng Northern Samar kasunod ng structural assessments na istruktura na nagsiwalat ng pagkasira at pagbawas ng kapasidad sa pagdadala ng load.

Sa Northern Samar, ipinatupad ng DPwH First DEO ang limang toneladang load limit at one-lane traffic sa palanit Bridge sa Barangay Palani, bayan ng San isidro, epektibo noong Oktubre 10. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here