MANILA, Philippines – Patay ang isang 70-anyos na Lola nang banggain ng isang L300 van habang papatawid sa kalsada sa Tondo, Manila Lunes ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Evelyn Ong Terano, may-asawa ng 1636 A. Rivera St., Tondo, Manila na agad na nalagtan ng hininga.
Ang bumangga,isang Mitsubishi L300 na may plakang NKG 8537 na minamaneho ni Bernie Banga Paller na residente ng MPD Headquarters Sa Un Ave., Ermita Manila.
Sa ulat, binabagtas sasakyang L300 ang kahabaan ng northbound lane ng Jose Abad Santos Ave nang pagsapit sa pinangyarihan ng insidente partikular sa Bambang St., Sa Tondo Manila nang nabangga nito ang biktima na noon ay tumatawid sa intersection mula sa West to East direction ng Bambang Street band nag alas-7:50 ng umaga.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima ng ilang metro na bumagsak sa isang sementadong bahagi ng kalsada na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden