Nasamsam ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng halos P6 milyon mula sa dalawang hinihinalang tulak ng droga sa buy-bust operation noong Linggo, Nobyembre 10, sa Barangay Santa Catalina, Zamboanga City.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na high-value drug target 63-anyos na sina Nasser Usman at Frasel Sahiben, 48.
Nakuha sa mga suspek ang 17 plastic packs ng shabu na tumitimbang ng 850 gramo na may karaniwang presyo ng droga na P5.78 milyon at ang buy-bust money.
Dinala ang mga nakumpiskang gamit sa Regional Forensic Unit-9 para sa pagsusuri.
Nakakulong ang mga suspek sa Zamboanga City police detention center at nahaharap sa kasong droga. RNT