Home METRO Lolo nagtangkang magpuslit ng droga sa kulungan ‘di na pinalabas

Lolo nagtangkang magpuslit ng droga sa kulungan ‘di na pinalabas

TACLOBAN CITY – Arestado ang isang 62-anyos na lalaki dahil sa pagtatangka umanong magpuslit ng isang pakete ng hinihinalang shabu para sa kanyang nakakulong na anak sa Ormoc City noong bisperas ng Bagong Taon.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Aurelio Basete.

Dumating si Basete sa Ormoc City Jail Male Dormitory sa Barangay Altavista para magdala ng pagkain sa kanyang anak.

Ininspeksyon ng mga jail guard ang container at nakita ang isang medium-sized heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na isang gramo na nagkakahalaga ng P6,800 na ipinasok sa saging.

Si Basete ay nahuli at nahaharap sa mga kasong may kinalaman sa droga. RNT