Home METRO Tserman grinipuhan sa Iloilo

Tserman grinipuhan sa Iloilo

ILOILO – Hindi na umabot sa Bagong Taon ang barangay chairman ng Barangay Santo Rosario sa Ajuy, Iloilo matapos na pagsasaksakin.

Sinabi ni Ajuy Municipal Police chief Police Lieutenant Randy Lambungan na nilapitan ng 42-anyos na suspek at pinagsasaksak ang 67-anyos na biktima sa isang tindahan, nitong bisperas ng Bagong Taon.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.

Tinitingnan ng mga imbestigador ang selos bilang posibleng motibo sa pagpatay sa barangay chairman, ayon sa ulat.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang suspek at mahaharap sa kasong murder. RNT

Previous articleOrMin mayor muling sinunspinde sa iregularidad sa ‘sabong’ ops
Next articleLolo nagtangkang magpuslit ng droga sa kulungan ‘di na pinalabas