Home NATIONWIDE OrMin mayor muling sinunspinde sa iregularidad sa ‘sabong’ ops

OrMin mayor muling sinunspinde sa iregularidad sa ‘sabong’ ops

140
0

MANILA, Philippines – Pinatawan ng Office of the Ombudsman ng anim na buwang suspensiyon nang walang sahod ang isang alkalde ng bayan ng Mindoro Oriental province.

Ito ay matapos na matagpuang may pananagutan ito sa kasong administratibo kaugnay sa mga iregularidad sa sabong operation.

Ito ang ikalawang suspensiyon ni Mayor German Rodegerio, matapos ang kanyang unang pagkakasuspinde noong Marso.

Sa isang kopya ng utos na isinapubliko nitong Lunes, Enero 1, sinabi ni Assistant Ombudsman Pilarita Lapitan na nagkabisa ang suspensiyon ni Rodegerio noong Disyembre 1, 2023, alinsunod sa desisyon na ipinasa ng Ombudsman noong Agosto 31 kung saan ang alkalde ay administratibong mananagot para sa imple misconduct.

Nag-ugat ito sa reklamong inihain ng apat na indibidwal — sina Vic Ruskin Ong, Wilfredo Condesa, Teotimo Famplume Jr. at Rimando Recalde — na nagsabing ang mga opisyal ng bayan, kabilang ang alkalde, ay nagbigay ng hindi nararapat na benepisyo sa Gloria Cockpit Arena (GCA) na wala umanong prangkisa.

Sinasaklaw ng pinakahuling utos ng suspension ang pag-isyu ni Rodegerio ng 295 permit para sa operasyon ng sabong ng GCA mula Disyembre 2017 hanggang Pebrero 2021.

Nauna nang sinuspinde ng Ombudsman si Rodegerio dahil sa pag-isyu ng 127 permit pabor sa GCA mula Disyembre 2018 hanggang Nobyembre 2019.

Samantala, sinabi ni Rodegerio na kumilos siya sa ngalan ng good faith at ipinagpatuloy lamang ang ginawa ng mga nauna sa kanya nang magbigay siya ng permit sa GCA.

Aniya, ang pagpapalabas ay batay sa mga resolusyon ng munisipyo na inilabas ng mga nakalipas na administrasyon at maging noong panahon pa ni noo’y bise mayor Ramon Solas, na isa sa mga nagrereklamo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here