Home METRO Lolong nagsawa sa pag-inom ng maintenance, utas sa bigti

Lolong nagsawa sa pag-inom ng maintenance, utas sa bigti

ILOCOS SUR- Tigok ang isang 75-anyos na lalaki matapos na magbigti sa Candon City ng lalawigang ito.

Ang biktima ay may asawa, residente ng naturang lungsod.

Biyernes ng umaga, Setyembre 13, nang makita ang biktimang may tali ang leeg na nakabitin sa labas ng bahay nito.

Sa interbyu ng mga otoridad sa misis ng biktima, sinabi nito na habang nag-uusap sila ng kanyang mister noong 10:00 ng umaga ng Setyembre 12 ay sinabi ng kanyang mister na “Maum uma nakun nga umimi, iti maintenance ko” na may kahulugan sa tagalog na “nagsasawa na ako sa kaiinom ng maintenance ko.”

Isinugod sa Ilocos Sur Medical Center sa naturang lungsod ang biktima.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso