Home METRO Lolong nangunguha ng kuhol, utas sa kidlat sa Ilocos Sur

Lolong nangunguha ng kuhol, utas sa kidlat sa Ilocos Sur

259
0

ILOCOS SUR, Philippines – Tigok ang isang 67-anyos na lalaki matapos tamaan ng kidlat habang nangunguha ng kuhol sa bukid sa Brgy. Dirdirig, Burgos ng lalawigang ito kahapon, Setyembre 1.

Ayon sa Burgos Municipal Station, ang biktima na isang magsasaka ay residente ng Brgy. Luna ng naturang bayan.

Isang lalaking residente ng Brgy. Dirdirig na nangunguha ng damo sa bukid ang nakasaksi sa pangyayari.

Ayon sa witness, habang nangunguha siya ng damo ay nangunguha rin ang biktima ng kuhol sa kabilang bukid.

Habang abala sila sa kanilang ginagawa ay biglang kumidlat.

Matapos ang pagkidlat, nakita na lang niya ang biktimang nakadapa sa bukid.

Sa pagdating ng mga otoridad, nakita nilang sunog ang damit nito at may bahid ng dugo sa mukha nito.

Ang bangkay ng biktima ay dinala sa punerarya ng mga rumespondeng MDRRMO at RHU personnel. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here