ITALY – Isang 71-anyos na Pilipinong lalaki sa Italy ang nasawi kasunod ng isang aksidente sa sasakyan noong weekend, sinabi ng Philippine Consulate General sa Milan nitong Lunes.
Ayon sa Konsulado, bumangga ang kotse ng lalaki sa isang poste sa harap ng konsulado noong Sabado ng umaga.
Hindi naman sinabi ng Konsulado kung papunta sa Konsulado ang biktima nang mangyari ang aksidente.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay ang Konsulado sa pamilya ng biktima na hindi nito nakilala. RNT